Sinimulan na ang konstraksyon ng kalsadang nagdurugtong mula sa mga Brgy. Dinganen Buldon Maguindanao patungong bayan ng Pigcawayan North Cotabato. Inaasahang matatapos ang 1.3 Kilometers Road Construction sa lalong madaling panahon ayon pa kay Mayor Abolais Manalao. Nagmumula sa DPWH ARMM at ARMM Government ang pundong inilaan sa nasabing proyekto.Lubos naman ang kasiyahan ni Mayor Manalao kasama ng kanyang mga kababayan dahil sa kalsadang ipinagkaloob sa kanila ni ARMM Governor Mujiv Hataman. Magiging malaking tulong aniya ito lalong lalo na sa kanyang mga kababayang magsasaka. Mapapadali na aniya ngayon ang pagbaba ng mga produkto mula sa kanilang bayan tungo North Cotabato dagdag ng alkalde. Matatandaang ilang dekada na ring nanawagan ng tulong ang mga residente ng Brgy. Dinganen sa pangunguna ni ABC President at Brgy Dinganen Chairman Rufo Capada dahil sa lubak lubak na daan na kumitil na rin ng ilang buhay dahil sa mga aksidenteng naitala. Samantala maliban sa Dinganen Road, pinasimulan na ring gawin ang Line- Canal Project sa Brgy. Mataya. Nagmumula sa Performace Challenge Fund ng DILG ARMM ang pundong gagamitin sa proyekto . Matatandaang ipinagkaloob ang PCF ng DILG sa lahat ng mga LGU na awardee ng Seal of Good Local Governance 2017.
Kalsadang nagdurugtong sa Buldon at Pigcawayan sinimulan na!
Facebook Comments