
Nilinaw ni House Deputy Speaker at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno na hindi ang Kamara ang naglipat sa P74-billion pesos mula sa pondo ng PhilHealth at kumaltas ng P12-Billion sa pondo ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng 2025 national budget.
Diin ni Puno, intact ang budget para sa PhilHealth at DepEd ng kanilang ipasa sa Senado ang panukalang 2025 budget kung saan ang binawasan nila ay ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pero ayon kay Puno, pagdating sa Senado ay nabawasan ang pondo ng PhilHealth at DepEd at nadagdagan ang alokasyon para sa DPWH.
Sabi ni Puno, dapat alamin kung paano nag-iba ang final text mula sa proposed national budget na inaprubahan ng Kamara, kung kailan ito ginalaw at sino ang may responsibilidad sa paglilipat ng pondo.









