“Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act”, aprubado na

Manila, Philippines – Aprubado na ng komite ng Kamara ang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act”.

Sa ilalim ng nasabing panukala, bibigyan ng health at nutrition services ang mga pilipinong ‘nutritionally at risk’ sa loob ng unang 1,000 days.

Prayoridad nito ang mga nagbubuntis, teenage mothers at mga batang 2 years old pababa.


Kabilang sa mga ipagkakaloob na serbisyo ang follow-up preventive-care visits o home visit para sa mga nasa liblib na komunidad, wastong immunization sa mga bagong silang na sanggol at newborn-care service gaya ng eye prophylaxis at vitamin k, birth doses ng hepatitis b at BCG vaccines.

Pagtungtong ng anim na buwan hanggang 2 taon ng bata, bibigyan sila ng deworming tablets, oral-health services at livelihood assistance para sa mga ina mula sa mahihirap na pamilya.

Samantala, oras na maisabatas… layon ng Department of Health na gamitin ang ito bilang programang mag-i-initiate ng philippine plan of action for nutrition na tugon sa lumalalang problema ng kagutuman at malnutrisyon.

DZXL558

Facebook Comments