Kalusugan at patuloy na biyaya para sa pamilya ang ilan sa mga pangunahing hiling ng mga debotong dumalo sa huling misa de gallo ngayong taon sa Sts. Peter and Paul Parish sa Calasiao, Pangasinan kahapon, Disyembre 24.
Bago pa man sumikat ang araw, napuno na ang loob ng simbahan habang may ilan ding naghintay at nakiisa sa labas ng parokya.
Bitbit ng mga deboto ang kanilang mga panalangin para sa kapayapaan, kalusugan, at magandang kapalaran sa pagpasok ng pasko at bagong taon.
Ayon sa pamunuan ng parokya, ang huling misa de gallo ay mahalaga dahil dito ipinagkakatiwala ng mga mananampalataya ang kanilang mga hiling bago sumapit ang Pasko.
Sa homiliya, binigyang-diin ang pasasalamat, pananampalataya, at pagtitiyaga sa kabila ng mga hamong naranasan ngayong taon.
Sa kabuuan, naging payapa ang pagtitipon na sumasalamin sa buhay na pananampalataya at makulay na tradisyong pamasko ng mga taga-Calasiao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









