KALUSUGAN CARAVAN, AARANGKADA SA SAN CARLOS CITY

Nakatakdang magsagawa ng malawakang health caravan ang Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos ngayon.

Ang naturang aktibidad ay libre para sa mga residente na maaring magpakonsulta at magpabakuna anuman ang edad.

Kabilang sa mga tampok na serbisyo ang Prenatal Check-Up, Pediatric Check-Up, libreng gamot, libreng tuli, laboratory examination, at dental services.

Nakahanda rin ang nasa 200 slots ng pneumonia vaccine para sa mga senior citizens.

Sakop din ng aktibidad ang konsultasyon at medikasyon ng mga alagang hayop.

Tiniyak ang kahandaan sa pagdaraos ng aktibidad kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments