KALUSUGAN | Dagupan City may mataas na kaso ng HIV!

Dagupan City – Nangunguna ang Dagupan City sa listahan ng may pinakamaraming kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV ayon mismo sa City Health Office ng siyudad sa Lalawigang Pangasinan na siyang nangunguna sa Region 1.

Ayon kay Mr. Carlo Castillo ng CHO nakahanay ang siyudad sa Baguio, San Carlos, at Urdaneta sa may pinakamaraming cases ng HIV positive. Dagdag pa ni Castillo ang may pinakamaraming bilang ng nagpa-test siyudad ay nasa edad 19-26 years old at karamihan sa kanila ay mga bisexual. Noong nakaraang taon 2,000 test of HIV ang nagpositibo at inaasahang pang mas tataas pa ngayong taon.

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang Lentivirus na kasapi ng isang pamilyang Retrovirus na nagsasanhi ng Acquired Immuno Deficiency Syndrome( AIDS). Ang impeksiyon ng HIV ay nangyayari sa pamamagitan ng paglipat ng dugo, semilya, likido na lumalabas sa ari ng babae, bagong paglabas (pre-ejaculate) sa mga lalaki, o gatas ng suso sa mga babae.


Paalala ng CHO at DOH na wag matakot magpa-test at always practice safe sex.

Ulat mula kina Ariel Bauzon and Lhea Mamaril
Photo-credited to Google Images

Facebook Comments