KALUSUGAN | DOH may paalala ngayong Valentine’s Day!

Pabata ng pabata ang nagiging HIV positive sa buong bansa. Sa humigit kumulang na 42,000 HIV positive na naitala ng DOH noong nakaraang taon nasa kulang kulang 12,000 dito ang nasa edad na 15-24. Ito ang mga nasa hanay ng 8th grade schoolers to college students. Mataas ang bilang sa mga kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki na may multiple partners at hindi gumagamit ng proteksyon.

Isa umano sa naging factor ng pag-lobo ng positibo sa HIV ay ang social media at dating applications. Nag-uumpisa sa simpleng chat hanggang sa mauwi ito sa uspang patungkol sa pakikipagtalik. Kaya naman nagpaalala ang DOH na maging maingat sa pakikipagtalik, gumamit ng condom at huwag makipagtalik sa multiple partners. Isinusulong din ng departamento ang matinding kampanya sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga sexually transmitted diseases at kung paano ito maiiwasan lalo ng mga kabataan. Sang-ayon din ang simbahan sa adbokasiya na resolbahin ang dumaraming kabataan na positibo sa HIV ngunit sa paraang abstinence o hindi aktibo sa pakikipagtalik.

Nakatutok ngayon ang DOH sa pagsalba sa mga kabataan na siyang nangunguna sa listahan ng mas dumaraming infected ng HIV. Kaya hindi lamang sa tuwing sasapit ang araw ng mga puso nagpapaalala ang departamento ngunit sa buong taon. Hinihikayat di ng DOH ang mga sexually active na magpa-test at sinisigurong ito ay confidential.


Photo-credited to Google Images

Facebook Comments