Kalusugan, kabuhayan, kapayapaan at edukasyon, ilan sa mga napagtagumpayan sa unang isang daang araw ni PBBM ayon sa Malacañang

Sumentro sa kalusugan, kabuhayan, kapayapaan at edukasyon ang unang isang daang araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay batay sa anunsyo ng Office of the President sa pamamagitan nang kanilang official Facebook account.

Batay sa ulat ng Office of the President, ilan sa mga napagtagumpayan ng Marcos administration sa unang isang daang araw sa pwesto ay una ang Kalusugan, partikular ang pagsuporta sa mga bayani o mga health workers, pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan laban sa COVID-19, pagpapaigting ng kampanya laban sa COVID-19 at boluntaryo nang pagsusuot ng face mask.


Pangalawa ang kabuhayan, ito ay pagpaparami ng trabaho, at pagsuporta sa kabuhayan ng nga magsasaka.

Pangatlo ay ang kapayapaan, ito ay pagkakasundo ng mga pinuno ng Muslim sa Mindanao, pagkakaroon ng maayos na representasyon ng bawat grupo at pagtulong sa mga rebelde.

Habang panghuli ay edukasyon, ito ang pagbabalik eskwela, libreng sakay sa mga estudyante at tulong pinansyal.

Sa pamamagitan raw ng pagkakaisa ng mga Pilipino, naitatag ang direksyon at mga plano ng administrasyon at naipakita na ang pagkakaisa ay isa mga sangkap ng muling pagbangon at pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments