KALUSUGAN | Mental Health Advocacy, Ikinasa!

Sa pamumuno ng Philippine Guidance and Counselling Inc. (PGCA), Peer Organization of the Philippines (POP) ,Department of Health (DOH) at PHINM-Unuversity of Pangasinan Peer Facilitator’s Circle, isinagawa ang Stress Management and Resiliency Training (SMART) sa Binmaley Manpower and Training Center noong Abril 20,2018.

Layon ng conference na paigtingin ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa stress management at gawing prayoridad ang mental health awareness sa mas lumalagong digital world. Ayon sa Event Coordinator na si Mr. Vince Alcon Azarcon, target ng training na ito ang mga student leaders uoang mas maging epektibo training na ito sa pamamagutan ng paglulunsad ng mga adbokasiyang may kinalaman sa mental health. Makakatulong ito upang sugpuin ang tumataas na kaso ng suicide sanhi ng deprrssion at stress.

Panauhing Tagapagsalita si PGCA President of Pangasinan Chapter si Dr. Ricardo Sotelo Guanzon na tinalakay ang: “Psychological Well Being and Stress Management among the Z Gen”. Dinaluhan ng 28 paaralan at unibersidad ang naturang conference mula sa mga karatig bayan tulad ng Daguoan at Lingayen,pati na rin ng mga karatig probinsya ng La Union at Ilocos.


Ulat ni Geannie Victorio

Photo-credited to Mike Pulicay, Melody Valenton

Facebook Comments