KALUSUGAN MULA SA PAGKAKAROON NG MALINIS NA PALIKURAN, ISINUSULONG SA MAPANDAN

Mas pinatibay pa ng lokal na pamahalaan ng Mapandan katuwang ang ilang ahensya ang kampanya para sa kalinisan sa pamamagitan ng proyektong Clean Toilets = Healthier Lives.

Sa ilalim ng programa, hindi lamang sanitasyon ang target sa mga kabahayan Kundi pati na rin ang pagbibigay ng malinis at maayos na palikuran para sa mga residente.

Sasalamin din ang programa sa ugnayan ng palikuran tungo sa ikabubuti ng edukasyon ng mga Kabataan sa mga komunidad.

Bukod sa pisikal na kalinisan, layon ng proyekto na maiangat ang kaalaman ng mamamayan sa tamang sanitasyon at hygiene, upang maiwasan ang mga sakit gaya ng diarrhea, leptospirosis, at iba pang waterborne diseases. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments