KALUSUGAN NG MGA BATA SA DAGUPAN CITY, PRAYORIDAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kapakanang pangkalusugan ng mga bata sa syudad partikular ang mga may kasong stunting o pagkabansot.
Bunsod ang nasabing aksyon sa tumataas ng kaso ng pagkabansot ng mga batang may edad 24-59 months.
Saklaw ng hakbang ng LGU sa pagtugon nito ay ang pagpulong sa (30) Barangay Nutrition Scholars sa pagpapatuloy ng vitamin and dietary supplementation, nutrition education, at supplementary feeding program na isa sa makakatulong upang maibsan ang nasabing suliranin.
Binigyang diin din ang kahalagahan ng first 1,000 days ng mga batang nasa sinapupunan pa lamang o mga pinagbubuntis pa lang. Mas maigi na unang stage pa lang ng pagbubuntis ay matugunan na ang mga kinakailangang nutrisyon upang makatulong sa kabuuang kalusugan ng bata kapag lalabas na mula sa sinapupunan.
Samantala, nagkaroon din ng pamamahagi ng mga vegetable seeds na may layong mahikayat ang mga residente sa pagtatanim.
Dagdag pa ng lokal ng pamahalaan ang suporta sa adhikaing ito sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa adult nutritional milk supplement, gayundin ang bitamina para sa mga buntis tulad ng folic acid at ferrous sulfate iron.
Facebook Comments