KALUSUGAN NG MGA EVACUEES SA ILOCOS REGION, TINIYAK

Tiniyak ng Department of Health- Ilocos Center for Health Development ang pagtutok sa kalusugan ng mga evacuees habang hindi pa inaabisuhang bumalik sa kanilang tahanan.

Bukod sa maayos na matutulugan, nararapat din na nabibigyang-pansin ang pagkain at kalinisan upang hindi magkahawaan ng sakit.

Nagsasagawa rin ng konsultasyon ang ilang health personnels sa mga evacuation centers at tinitiyak na may sapat na suplay ng gamot kasabay ng pagtutok sa WASH o Water, Sanitation at Hygiene ng bawat evacuee.

Ipinapatupad din ang Pinggang Pinoy nutrition guide ng kagawaran para sa sapat na sustansya nang manatiling malusog ang pangangatawan.

Binabantayan ng tanggapan ang sitwasyon sa mga evacuation centers upang matugunan ang pangangailangang medikal maging ang mental health ng mga lumikas hanggang sa tuluyang makabalik nang ligtas sa kanilang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments