May nakikitang kakulungan ang World Vision Philippines sa pag-aalaga sa mga kabataan sa bansa simula pa noong sila ay ipinagbubuntis hanggang sa lumaki.
Dahil dito makikipagtulungan ang World Vision Philippines sa pamahalaan sa pangunguna ni Health and Nutrition Manager Carleneth San Valentin para mabantayang maigi ang kalusugan ng mga bata.
Maliban sa kanila, aagapay din ang World Vision sa mga babaeng buntis at magbubuntis pa lang para masigurong napapangalagaan ng maayos ang kanilang anak.
Dagdag pa ni San Valentin, hindi namamana o likas na maliliit ang mga kabataang Pilipino.
Nangangailangan kasi sila ng sapat na pag-agapay at atensyon para matiyak na nasa maayos ang kanilang kalusugan.
Facebook Comments