
Tinutukan ang kalusugan ng mga katutubo sa isinagawang IP Health Summit sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Month.
Pinangunahan ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region katuwang ang lokal na pamahalaan ng Salcedo at iba pang organisasyon ang aktibidad na naglalayong mapalakas ang pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga katutubong komunidad.
Sa naturang programa, libreng ipinagkaloob sa mga kalahok ang serbisyong medikal, dental, at X-ray, pati na rin ang mga emergency kits, breastfeeding kits, at kagamitang medikal para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Bukod sa mga serbisyo, layon din ng aktibidad na palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng mga institusyon at katutubong pamayanan tungo sa mas inklusibo at malusog na komunidad.









