Mahigpit ang utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa sa lahat ng mga police commanders na tiyaking maayos ang kalusugan ng kanilang mga tauhan.
Ito ay sa harap ng mas maraming pulis ngayon sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang naka-deploy sa mga quarantine control points.
Ayon kay Gamboa, napakataas pa rin ng banta ng COVID-19 pero hindi naman pwedeng mag – time out sila sa kanilang mga responsibilidad ngayong may nararanasang pandemya.
Kaya naman bilin nya sa mga police commander dapat ay may sapat na Personal Protective Equipment (PPE) ang mga pulis na itatalaga sa mga quarantine control points.
Bilin nya rin na dapat mayrooong reserve force para may rotation sa duty nang sa ganun makakapahinga ng maayos ang mga pulis at dapat din aniyang uminom palagi ng vitamin C ang mga ito.
Sa ngayon, umabot na sa 2,283 ang mga pulis na infected ng COVID-19, 11 ang namatay, at 1,251 ang gumaling.