Ilalapit sa mga komunidad sa San Fernando City, La Union ang libreng konsultasyon at serbisyo medikal sa paglibot ng mga doktor at healthcare workers ng City Health Office.
Ang hakbang ay tugon sa pagpapabuti pa sa sektor ng kalusugan at mapuntahan ang mga residente na hirap sa pagpunta sa mga medical facilities.
Upang mabalanse ang iskedyul sa lahat ng barangay, naglabas na ng opisyal na listahan ang tanggapan kada una hanggang ikaapat na Lunes hanggang Biyernes ng buwan.
Inaanyayahan naman ang mga residente na makiisa at pumunta sa kanilang itinakdang iskedyul. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









