Kalusugan ni Pangulong Duterte, tiyak na nasa maayos na kondisyon

41

Ginarantiyahan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na nananatiling maayos ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagtiyak ni Go, magiging lubos ang pagsi-serbisyo ni Pangulong Duterte sa bansa at sa mamamayang Pilipino hanggang matapos ang termino nito sa Hunyo 30.

Ayon kay Go, masyadong mabigat ang trabaho ng pagiging pangulo para kay President Duterte na 77-anyos kaya hindi maiwasan na humina ang kalusugan nito.


Pero paliwanag ni Go, inaalagaan naman ng mga doktor si Pangulong Duterte at patunay nito ang kanyang napapabalitang mga pagbisita sa Cardinal Santos Medical Center para sa regular na check up at monitoring ng kanyang kalusuguan.

Facebook Comments