Monday, January 26, 2026

Kalusugan ni PBBM, hindi dapat gawing biro — Malacañang

Pinayuhan ng Malacañang si Senadora Imee Marcos na huwag gawing biro ang kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa pahayag ng senadora na wala umanong nag-aalaga at tunay na nagmamalasakit sa Pangulo sa loob ng Malacañang kaya ito nagkakasakit.

Ayon kay Castro, hindi na kailangang magkunwari sa harap ng publiko dahil alam naman ng taumbayan na hindi maganda ang relasyon ng Pangulo at ng senadora.

Dagdag pa ni Castro, hindi nararapat na gawing katatawanan o palabiro ang pagbibigay ng payo hinggil sa kalusugan ng Pangulo.

Binigyang-diin din ni Castro na ang isang taong may pinagdaraanan na karamdaman ay nangangailangan ng taos-pusong malasakit at hindi ng pakitang-tao lamang na pag-aalala.

Facebook Comments