KALUTAN ED BAYWALK SA BAYAN NG BINMALEY, ISASAGAWA

Makisaya, maki-jam at mag-ingay sa gaganaping Kalutan ed Baywalk sa bayan ng Binmaley sa darating na ikatlo ng Pebrero, 2023.

Sa mga nagnanais makiisa at naghahanap ng ticket upang makadalo sa kalutan ed baywalk mayroong ticket para dito kung saan sa halagang P3500 mayroon ng kasamang 2 kilong Bangus, 3 kilo ng Tilapia, 2 bote ng Alak, 2 (1.5L) Softdrinks, Charcoal, Tongs, Ice at Grills.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa mga organizer ng naturang event, sakaling nakapag-avail na ng ticket para sa kalutan ay ito na rin ang magiging entrance ticket para sa concert.

Makipag-ugnayan lamang sa LGU-Binmaley para sa karagdagang impormasyon.

Samantala, ang Binmaley ay isa sa tinaguriang Seafood Capital of the North, kaya’t tampok ang mga produktong lamang dagat para sa isasagawang Kalutan ed Baywalk. |ifmGoodNews

Facebook Comments