Kamala Harris, pormal nang naupo bilang US Vice President

35

Nanumpa na rin bilang US Vice President si Kamala Harris.

Si Harris ang kauna-unahang Black at Asian American na uupo sa nasabing puwesto.


Ginawa ni Harris ang kanyang panunumpa sa harap ni US Supreme Court Justice Sonia Sotomayor.

Si Harris ay dating US Senator sa California at nagsilbing kauna-unahang babaeng district attorney sa San Francisco at unang “woman of color” na nahalal bilang attorney general.

Ang kaniyang background sa criminal justice ay makatutulong sa Biden Administration para talakayin ang mga isyu ng racial equality.

Inaasahan ding magiging top adviser si Harris sa judicial nominations.




Facebook Comments