KAMALAYAN NG PUBLIKO HINGGIL SA TUBERCULOSIS, PINALAWAK SA SAN CARLOS CITY

Pinalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa tuberculosis sa San Carlos City sa pamamagitan ng libreng serbisyong pangkalusugan at information drive.

Nagsagawa ng libreng chest X-ray at information drive hinggil sa tuberculosis ang City Health Office ng San Carlos City sa Barangay Libas bilang bahagi ng paggunita ng World TB Day.

Isinagawa ang aktibidad katuwang ang Department of Health CHD-1 Ilocos upang palakasin ang kamalayan ng publiko laban sa Tuberculosis (TB), na patuloy na banta sa kalusugan.

Naging pagkakataon din ito upang mahikayat ang mga residente na sumailalim sa maagang pagsusuri at gamutan, kabilang ang tuberculosis preventive treatment (TPT).

Bukod sa libreng chest X-ray, nagsagawa rin ng session ukol sa HIV awareness at libreng pagsusuri upang mapalawak pa ang kaalaman ng nakararami tungkol sa HIV.

Nagbigay rin ng kaalaman hinggil sa wastong paggamit ng contraceptives bilang bahagi ng kampanya sa responsableng kalusugan.

Ayon sa City Health Office, malaking tulong ang mga ganitong aktibidad upang mapababa ang bilang ng kaso ng TB at HIV at maiparating ang kahalagahan ng kalusugan sa bawat isa sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments