Pinangunahan ng LTO Region 1 ang isang information dissemination activity na ginanap sa Rosales bilang bahagi ng paghahanda para sa implementasyon ng Electric Vehicle Industry Development Act o EVIDA Law (RA 11697).
Ito ay matapos ang imbitasyon mula sa lokal na pamahalaan ng Rosales kung saan ipinaalam sa mga kalahok ang bagong nilalaman, mga umiiral na alituntunin at regulasyon sa paggamit ng mga electric vehicles.
Binigyang-diin naman ng tanggapan ang patuloy nilang koordinasyon sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang masiguro ang maayos at ligtas na implementasyon ng mga polisiya hinggil sa electric mobility sa bayan.
Facebook Comments









