KAMALAYAN SA SAKIT NA HIV, PINAIGTING SA MGA KABATAANG PANGASINENSE

Pinaigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang kampanya para sa HIV awareness at kalusugan ng kabataan sa isinagawang Youth Forum ngayong taon na dinaluhan ng mga health authorities at mga mag-aaral sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa lalawigan.

Tinalakay sa forum ang paksang Key Assistance for Developing Adolescents at kamalayan sa mental health at ang patuloy na pagtaas ng HIV cases sa lalawigan.

Sa datos ng Department of Health, tumaas sa 53 bagong kaso ng HIV ang naitala mula Enero hanggang Abril ngayong taon, mas mataas kung ihahambing sa 42 na kasong naitala noong 2024.

Nauna na ring inihayag ang kakayahan ng karamihan sa mga government-run hospitals sa lalawigan na magsagawa ng paunang pagsusuri sa sakit.

Layunin na palalimin ang edukasyon ng kabataan sa mga isyung pangkalusugan na patuloy na lumalaganap sa komunidad.

Facebook Comments