Inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nagsimula ng mag-ugnayan ang Kamara at bagong liderato ng Senado para tukuyin ang mga mahahalagang panukala na kailangang ihabol sa ikatlo at huling regular session ng 19th Congress.
Sinabi pa ni Romualdez na nagkausap na sila ng bagong Senate President na si Senator Francis Escudero ng magkita sila sa Malacañang ng lagdaan ng pangulo ang Kabalikat sa Pagtuturo Act.
Gayunpaman, sabi ni Romualdez na hindi nila natalakay ang tungkol sa panukalang pag-amyenda sa mga economic provisions sa 1987 Constitution na pasado na sa Kamara pero nakabinbin pa sa Senado.
Ayon kay Romualdez, napagkasunduan nila ni Escudero na muling mag-usap sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan.
Dagdag pa ni Romualdez, binanggit ni House Majority Leader Jose Manuel Dalipe na may ugnayan na rin sila ni Senate Majority leader Senator Francis Tolentino.