Kamara at DSWD, namahagi ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao de Oro

Umaabot sa 1,653 pamilya na biktima ng lindol sa Davao de Oro ang nakatanggap ng tig-P3,000 hanggang P5,000 na tulong pinansyal mula sa Mababang Kapulungan.

Ang pagbibigay ng ayuda ay pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa mga tumanggap ng tulong ay mga napinsala ang tahanan at saklaw ng Assistance to Individuals in Crisis Situations Program ng DSWD.


Umaasa si Speaker Romualdez, na makakatulong ang ayuda sa mga biktima ng lindol bagama’t hindi ito sapat para maipaayos ang kanilang bahay o ari-arian na napinsala ng lindol.

Bukod dito ay nagbigay naman ang tanggapan ni Speaker Romualdez ng P500,000 na calamity fund sa Davao De Oro 1st district.

Facebook Comments