Kamara at Senado, isinailalim sa lockdown kasunod ng mataas na bilang ng COVID-19 cases sa kanilang tanggapan

Isinailalim sa four-day lockdown ang Kamara kasunod ng pasirit sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Magsisimula ang lockdown ngayong araw, Marso 18 at matatapos sa Linggo, Marso 21.

Dahil dito, ang committee meetings, public hearings at iba pang kaganapan sa Kamara ay isasagawa sa pamamagitan ng video communication platform na Zoom at iba pang livestreaming platforms.


Matatandaang kabilang sa mga pinakahuling nagpostibo sa Kamara sina Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, Majority Leader Martin Romualdez at Negros Oriental Representative Jocelyn Sy Limkaichong.

Maliban sa Kamara, sinimulan na rin kahapon, Marso 17 ang 6-day lockdown sa Senado matapos magpositibo sa COVID-19 ang higit sa 20 nilang empleyado.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, pansamantala muna nilang sinuspinde ang plenary sessions at ilang trabaho para hindi na kumalat pa ang nasabing
virus.

Samantala, sinuspinde rin ng People’s Televison Network (PTV) ang kanilang operasyon para magbigay daan sa sanitation at disinfection sa kanilang tanggapan bunsod ng mataas na bilang ng nagpositibo sa kanilang mga staff.

Facebook Comments