Kamara at Senado, nag-convene na para sa SONA ng Pangulo mamayang hapon

Ipinaabot na ng Kamara sa Palasyo ng Malakanyang na nakahanda na ang mga kongresistang makinig mamaya sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ini-adapt ngayon ng Mababang Kapulungan ang House Concurrent Resolution Number 10 kung saan ipinapaalam sa Pangulo na nag-convene na ang Kamara at Senado at nakahanda na para saksihan mamayang alas-4:00 ng hapon ang ulat sa bayan ni Pangulong Duterte.

Kasabay nito ay ini-adapt din ng Kamara ang Senate Concurrent Resolution Number 12 na naglalaman din ng kaparehong mensahe sa Pangulo.


Nauna dito ay in-adapt din ang House Resolutions 1059 at 1060 na ipinaaalam sa Senado at sa Malakanyang na nagbukas na ang 2nd regular session sa Mababang Kapulungan.

Aabot naman sa 301 ang present sa unang sesyon kung saan 21 ang physically present sa plenaryo habang 280 naman ang mga mambabatas na nag-participate sa zoom.

Pinaalalahanan naman ang mga mambabatas na dadalo sa SONA na pumunta isang oras bago ang nakatakdang joint session at ang mga nasa zoom naman ay pinayuhang mag-login at mag-register isang oras din bago mag-SONA ang Pangulo.

Facebook Comments