Kamara at Senado, pinaplantsa na ang mga rules para sa special session sa Sabado

Manila, Philippines – Inilalatag na ng House of Representatives at Senate Secretariat ang magiging rules para sa special session sa Sabado.

Pinangunahan ni House Secretary General Cesar Pareja ang pulong kung saan napag-usapan ang rules sa pagmosyon, interpelasyon, at botohan sa joint special session ng Kamara at Senado.

Sa mangyayaring special session, isang miyembro ng bawat kapulungan ay bibigyan ng sampung minuto para iprisenta ang report tungkol sa martial law extension sa Mindanao.


Napagkasunduan din ng dalawang kapulungan ang nominal voting para makuha ang eksaktong bilang ng mga bobotong mambabatas dahil sa panig pa lang ng mga kongresista ay nasa 292 ang mga ito.

Pagkatapos ng nominal voting ay saka papayagan ang mga mambabatas na ipaliwanag ang kanilang boto.

Sa Sabado ay magsasagawa ng special session ang Kongreso para pagdebatehan ang hiling ng Pangulong Duterte na limang buwang extension ng martial law sa Mindanao.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments