Pinag-iingat ng Kamara ang mga miyembro at lahat ng empleyado nito sa paggamit ng iba’t ibang application tulad ng artificial intelligence (AI) image generator applications gayundin pagbibigay ng mga impormasyon online.
Nakasaad ito sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco, dalawalang linggo matapos mabiktima ng hacking ang official website ng Kamara.
Binanggit sa memorandum, na sa AI image generator applications ay ni-re-require ang pagsusumite ng litrato para makalikha ng imahe na gagaya sa itsura at galaw ng aktuwal na tao.
Binigyang diin sa memorandum, na ang nabanggit na application ay may hatid na panganib dahil maari itong gamitin sa paglikha ng pekeng profiles, identity theft, at sa iba pang malisyosong cyber activities.