Handa si Deputy Speaker Bernadette Herrera na itulak ang pagbibigay ng dagdag pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanilang dredging programs.
Bunsod na rin ito ng patuloy na dredging activities ng ahensya sa iba’t ibang ilog at waterways upang maiwasan ang pag-baha.
Ayon kay Herrera, habang hindi pa nakakaranas ng malalakas na bagyo ang bansa kahit pa tag-ulan na ay dapat itong samantalahin ng DPWH upang maibsan ang pagbabara sa mga ilog na siyang nagdudulot ng mga pag-baha.
Sa panahon aniya ngayon na may pandemya ay mapapalala ng mga pag-baha ang pagkalat ng COVID-19 dahil sa magsisiksikan sa mga evacuation centers ang mga lilikas.
Nangako si Herrera na tutugunan ang apela ng DPWH at mga lokal na opisyal para matulungan sila sa kani-kanilang dredging activities.