Kamara, bumili ng 60,000 doses ng Novavax COVID-19 vaccine

Aabot sa 60,000 doses ng Novavax ng Serum Institute of India ang inorder ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa pinakahuling impormasyon mula kay HREP CongVax Head at Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, P50 million na halaga ng Novavax ang binili ng Kamara para sa mga empleyado at pamilya nila.

Umaasa naman si Garcia na walang magiging delay sa pag-deliver ng COVID-19 vaccines ng Kamara.


Tiniyak naman umano sa kanya ng distributor na tuloy ang schedule sa pagdating ng Novavax sa July.

Pasok naman sa vaccination program ng Mababang Kapulungan ang mga kawani, permanent man o contractual, Congressional staff, mga empleyado ng Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), Landbank of the Philippines, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), HREP Cooperative, Mutual Aid Association (MAA) at media na nakatalaga sa Kamara.

Facebook Comments