Kamara, bumuo na ng apat na technical working group para pag-aralan ang konstitusyon

Manila, Philippines – Bumuo na ng apat na magkakahiwalay na Technical Working Group ang house Committee on Constitutional Amendments para pag-aralan ang pag-amyenda ng Saligang Batas.

Pamumunuan ito nina Negros Oriental Rep. Corazon Malanyaon, Deputy Speaker Fredenil Castro, Negros Occidental Rep. Aibee Benitez at Leyte Rep. Vicente Veloso.

Layon ng apat na magkakahiwalay na Technical Working Group na mapabilis ang pag-aaral at para agad na maisalang sa deliberasyon sa federalism.


Facebook Comments