Kamara, bumuo ng technical working group para plantsahin ang panukalang isabatas ang AICS program ng DSWD

Isang technical working group (TWG) ang binuo ng House Committee on Social Services upang pag-isahin at plantsahin ang 9 na panukalang batas na layuning i-institutionalize ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Committee Chairman Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara, ang TWG ay pamumunuan ni Marikina Rep. Stella Quimbo na nagsabing kailangang maisabatas ang programa upang matiyak ang pagpapatuloy nito.

Ito ay sa harap ng nakatakdang paglipat sa mga lokal na pamahalaan ng pagpapatupad ng ilan sa programa ng national government.


Para naman kay Representative Vergara, isa ang AICS sa pinakamatagumpay na programa ng DSWD na tumutulong sa mga Pilipino na nasa ‘crisis situation’ tulad ng paghagupit ng mga kalamidad.

Ayon kay Vergara, sa kabila ng COVID-19 pandemic noong 2020 ay ₱8.1 billion mula sa ₱8.7 billion allocation ang nailaan sa 1.224 million benepisyaryo ng programa.

Facebook Comments