Nakasalang na sa binuong Technical Working Group o TWG ng House Committee on Agriculture ang House Bill 1976 o Salt Industry Development Bill.
Layunin ng panukakala na maglatag ng komprehensibong plano para sa pagbuhay at development ng local salt industry ng Pilipinas.
Ang TWG ay pinamumunuan ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo na syang ring pangunahing may-akda ng ng panukala.
Ikinalugod ni Salo na kabilang ang panukala sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC priority measures.
Para kay Salo, malaking bagay na nakikita ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang kahalagahan na muling pasiglahin ang industriya ng pag-aasin sa bansa na dekada ng napabayaan.
Nakapaloob sa panukala ang isang whole-of-nation, whole-of-society, at whole-of-government approach para palakasin at tulungan ang local salt farmers at exporters.
Iniaatas din ng panukala ang pagbuo ng isang inter-agency na tatawaging ASINDERO, o Administration for Salt Industry Development, Revitalization and Optimization na syang titiyak sa tamang implementasyon ng panukala sa oras na ito maisabatas.