Manila, Philippines – Pinayuhan ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang mga kongresista na huwag ng panghimasukan ang iringan nila Pangulong Rodrigo Duterte at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Paalaa ni Batocabe, hindi na dapat makialam dito ang Mababang Kapulungan dahil lalo lamang gugulo ang sitwasyon ng dalawang sangay ng gobyerno.
Dagdag pa ni Batocabe marami pang trabaho at prayoridad ang kapulungan kabilang dito ang mga mahahalagang panukala at ang impeachment proceeding laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Giit ng kongresista, mas mabuting ipaubaya na lamang sa ibang tanggapan ang pagsisiyasat sa pinanggalingan ng dokumento na nakuha umano ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na kung saan ito ang pinagsimulan ng imbestigasyon ng Ombudsman laban sa Pangulo.
Samantala, sinabi naman ni ABS PL Rep. Eugene De Vera na may kapangyarihan ang Pangulo na imbestigahan ang katiwalian sa Ombudsman.
Pero, ang tangi lamang magagawa ng komisyon na bubuuhin para imbestigahan ang Ombudsmn ay fact-finding lamang o pangangalap ng ebidensya.
Kung magkaroon ng findings ang komisyon ay magrerekumenda lamang ito sa Kamara para magpasimula ng impeachment laban kay Morales.