Friday, February 6, 2026

Kamara, dapat maging patas sa pagdidisiplina sa mga miyembro nito

Iginiit ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Robert Nazal na dapat maging patas ang House of Representatives sa pagdidisiplina sa mga miyembro nito.

Diin ni Nazal, ang paraan ng pagdisiplina ng Kamara ay dapat nakabatay sa prinsipyo, patas o akma at hindi tila reaksyon lamang.

Mensahe ito ni Nazal kasunod ng panibagong 60-araw na suspensyon na ipinataw ng Kamara kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

Tutol din si Nazal na mga pag-atake ni Barzaga sa mga kapwa mambabatas at sa Kamara gamit ang social media.

Pero ayon kay Nazal, sa paraan ng pagwawasto sa mga ginawa ni Barzaga ay hindi dapat ipagkait sa kanyang distrito ang pagkakaroon ng kinatawan Kongreso.

Facebook Comments