Katuwang ang mga kinauukulang law enforcement agencies ay puspusan ang ginagawang imbestigasyon ng House of Representatives sa nangyaring hacking sa official website nito.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, target ng pagsisiyasat na matukoy at mapanagot ang responsable sa hindi awtorisadong access sa website ng Kamara.
Dagdag pa ni Velasco, pinaghahandaan na rin ang Information Technology (IT) team ang posibilidad na may mas matinding gawin ang mga hacker dahil maaring testing lamang ang naunang hacking na ginawa nito.
Binanggit ni Velasco, na bunsod nito ay ginagawa na ng Kamara ang lahat ng pag-iingat at pagpapalakas sa depensa kontra cyberattackers.
Facebook Comments