
Para kay bagong talagang tagapagsalita ng House of Representatives na si Atty. Priscilla Marie “Princess” Abante, hindi dapat lubas na pagkatiwalaan ang resulta ng mga survey ukol sa mga isyung pampulitika tulad ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Reaksyon ito ni Abante, makaraang lumabas sa survey ng Pulse Asia na 50 porsyento ng mga respondents ay tutol sa pagsasampa ng impeachment complaint kay VP duterte.
Ayon kay Abante, isang leksyon sa katatapos na eleksyon ang hindi tugmang resulta ng mga survey sa aktuwal na resulta ng botohan lalo na sa mga nanalong kandidato sa pagkasenador.
Bunsod nito ay binigyang-diin ni Atty. Abante ang kahalagahan ng direktang pakikinig sa mamamayan sa halip na umasa lang sa mga mga resulta ng survey na hindi naman tiyak na sumasalamin sa totoong pakiramdam at pangangailangan ng taumbayan.









