Mas mabilis ang paghahanda ngayon ng Kamara para sa ika-apat na SONA ni Pangulong Duterte sa July 22.
Ayon kay House Sec. General Roberto Maling, nasa 75 hanggang 80 percent na ang kahandaan ng Kamara sa SONA ng Pangulo kahit na isang buwan pa ang preperasyon para dito.
Aniya, wala naman kasing pinagkaiba ang SONA ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na SONA ni Pangulong Duterte.
Maging ang security forces na nakatalagang magbabantay at magbibigay seguridad sa Batasan ay nakaalerto na habang ang coverage naman ay RTVM na ang bahala.
Halos wala na rin masyadong kukumpunihin dahil nagawa na ang karamihan noong nakaraang taon.
Ang mga sasabihin naman ng mga lider ng Kamara ay nakahanda bilang script at ang maaari na lamang magbago ay kung sinusino ang makakasama ng Pangulo patungo sa kanyang pwesto sa mismong SONA.