
Handa na ang House of Representatives para sa pormal na turnover ng panukalang 2026 National Expenditure Program (NEP) mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ito ni House Secretary General Reginald Velasco matapos ang pulong ng mga opisyal ng Kamara at mga kinatawan mula sa DBM.
Tinalakay sa pulong ang mga detalye ng turnover na naktakdang gawin bukas, Agosto 13.
Ayon kay Velasco, mahalagang maayos na maisagawa ang pagsusumite ng ehekutibo ng proposed national budget sa Kongreso.
Base sa itinakda ng Konstitusyon, ang Pangulo ay dapat magsumite ng panukalang pambansang badyet sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng regular na sesyon ng Kongreso.
Facebook Comments









