Handa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng mas mataas na supplemental budget.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, kung kakailanganin na magapruba ng P50 Billion na supplemental budget na ayuda para sa muling pagbangon ng mga kababayan sa Taal ay nakahanda itong gawin ng Kamara.
Tiniyak ni Romualdez na nakasuporta ang Kamara para mabigyan ng long-term at permanent solution ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkan.
Siniguro din ng house leader na ipaprayoridad nila ang hiling ni Pangulong Duterte na madaliin na ang pagapruba sa P30 Billion supplemental budget para sa mga lugar na apektado ng pag-aalburuto ng Taal.
Sa ngayon ay nakikipagugnayan na ang Kamara sa Malakanyang para sa mga detalye at paghuhugutan ng ipapasang supplemental budget.