
Tiniyak ni House Spokesperson Atty. Princess Abante na handang-handa na ang Kamara, partikular ang prosecution team, para sa isasagawang paglilitis ng senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte.
Mensahe ito ni Abante sa harap ng nakatakdang pagsisimula ng impechment trial sa August 4—isang linggo matapos ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa July 28.
Bunsod nito ay muling binigyang-diin ni Abante na dumaan sa tamang paraan at tapat na sinunod ng Kamara ang mga itinakdang proseso ng impeachment sa ilalim ng 1987 Constitution.
Kaya naman ayon kay Abante, panahon na para gampanan naman ng Senado ang tungkulin nito kaugnay sa impeachment na nakapaloob sa Saligang Batas.
Facebook Comments









