Manila, Philippines – Muling nagpahayag ng kahandaan ang liderato ng Kamara na i-extend ang 60 day period ng martial law.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kung kakailanganing palawigin ang martial law ay nakahanda ang Kamara na tugunan ito.
Kung kakailanganin pa ang full-military control sa Marawi para solusyunan ang problema sa terorismo ay tiniyak nito ang pagbibigay suporta ng Mababang Kapulungan.
Nanindigan din si Speaker na hindi nila ipipilit ang joint session sakaling ito ang maging desisyon ng Korte Suprema.
Giit ni Alvarez, malinaw na itinatakda lamang sa batas ang pagsasagawa ng joint session ng Kongreso kung i-e-extend o ipapatigil nila ang martial law.
Malinaw din na nakasaad sa Konstitusyon ang pagrereport ng Pangulo sa Kongreso sa idineklarang martial law na siyang pakikinggan ng mga mambabatas pero kung nais nilang ipatigil ang batas militar ay Pangulo naman ang dapat na makinig sa kanila.
DZXL558, Conde Batac