Kamara, handang magpasa ng supplemental budget para sa nCoV

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na handa ang mababang kapulungan na magpasa ng supplemental budget sakaling makapasok sa bansa ang Novel Coronavirus.

Ito ay matapos mabawasan ng 56% ang Epidemiology and Disease Surveillance Program ng DOH at ang panawagan ni Gabriela Representative Arlene Brosas na mag-apruba ng supplemental budget para sa virus.

Ayon kay Cayetano, maaari silang magpasa ng supplemental budget para sa nCoV kung mayroong sertipikasyon para sa available funds.


Depensa naman ni Cayetano sa nabawasang budget, minimal lamang ang ginalaw ng Kamara at kinailangan ang pagtapyas sa ilang proyekto dahil ikinukunsidera ding mahalaga ang edukasyon, health, housing at ‘Build, Build, Build’ Program.

Pero dahil nasa budget, maaari pa namang i-augment ang pondo para sa Disease Surveillance Program dahil nasa pambansang pondo naman ito.

Bukod dito, mayroon ding Contingency Fund na pwedeng paghugutan ng pondo at pinalawig din ang 2019 Quick Reaction Fund ngayong 2020.

Facebook Comments