Kamara, handang magsagawa ng marathon hearings at huwag nang mag-break, para mabusising mabuti ang 2026 national budget

Tiniyak ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Kamara na handa silang magsagawa ng marathon hearings para matalakay nang mabuti ang ₱6.793-trillion 2026 national budget.

Ayon kay House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin, gagawin nila ito para sa bayan kahit hindi nila gamitin ang nakatakdang break o pahinga ng session nila mula Oktubre hanggang Nobyembre.

Sinabi ito ni Garin sa gitna ng kanilang rekomendasyon na ibalik sa Department of Budget and Management (DBM) ang 2026 National Expenditure Program (NEP) upang linisin ang sangkaterbang kuwestiyonableng budget entries.

Ayon kay Deputy Speaker Janette Garin, sanay ang mga kongresista na magtrabaho 24/7 at maaaring isakripisyo ang recess kung kinakailangan.

Ayon kay Garin, mas mabilis sanang matatapos ng mga mambabatas ang trabaho nilang busisiin ang budget kung agad natukoy at inalis ng DBM ang mga mali o basura sa panukalang pambansang pondo.

Facebook Comments