Kamara, hindi basta isusuko ang mandato kaugnay sa impeachment kay VP Duterte

Hindi mananahimik at basta isusuko ng House of Representatives ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon kaugnay sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ito ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang talumpati matapos mahalal bilang House Speaker ng 20th Congress.

Ayon kay Romualdez, nirerespeto nila ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang binuong Articles of Impeachment laban kay VP Duterte.

Diin ni Romualdez, patuloy na maninindigan ang Kamara para sa pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan sang-ayon sa itinatakda ng Saligang Batas.

Ani Romualdez, kahit anong bagyo at baha ay hindi susuko at panghihinaan ng loob ang Kamara.

Samantala, tiniyak naman ni Romualdez na bawat batas na kanilang ipinapasa ay salamin ng pangarap, karapatan, kabuhayan, at kinabukasan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments