Kamara, hindi magiging puppet sa pagpili ng susunod na house speaker

Manila, Philippines – Tiniyak ni Partylist Coalition President Mikee Romero na hindi magiging puppet ng ehekutibo ang lehislatibo pagdating sa pagpili ng magiging House Speaker.

Paliwanag nito, nais lamang nilang masiguro na magiging maganda ang working relationship ng executive at legislative branch at para maisulong din ang agenda sa mga ipapasang batas.

Naniniwala naman si Romero na ang pinakamataas na criteria sa pipiliing Speaker ng Kamara ay ang pagiging malapit kay Pangulong Duterte.


Samantala, mas malalim na samahan naman ang pinaniniwalaang magiging batayan ng pagpili sa susunod na lider ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Political Analyst Mon Casiple, makikita sa kasaysayan na kung sino ang kaalyado na sumuporta mula umpisa ng eleksyon ang siyang mahahalal na lider ng Kamara.

Aniya, mas pipiliin ang susunod na Speaker na malaki ang tiwala at lubusang kilala ng Pangulo para maisulong ang mga legislative agenda bago matapos ang termino nito.

Matatandaang sa tatlong kongresista na naglalaban sa pagka-speaker, si Taguig Representative Alan Peter Cayetano ang pinakamalapit sa Pangulo dahil ka-tandem ito ni Duterte noong 2016 national election at itinalaga din bilang cabinet secretary ng administrasyon.

Facebook Comments