Kamara, hindi namomroblema sa mga ipapalit sa nabakanteng posisyon

23
Manila, Philippines – 

Maraming pinagpipilian ang Kamara sa mga posibleng ipalit sa mga napatalsik sa posisyon dahil sa pagboto ng No sa death penalty bill.

 

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, marami ang nakapila at naghahangad na maging Chairman ng komite.

 

Sa ngayon ay hinihintay pa nila ang pinal na listahan ng mga ipapalit sa nabakanteng pwesto mula sa mga partidong kasapi ng super majority coalition.

 

Ang Nationalist People’s Coalition pa lamang umano ang nakakapagsumite ng siguradong listahan ng mga gustong ipalit sa pwesto sa Kamara.

 

Inaasahang sa pagbabalik sesyon sa Mayo ay iaanunsyo na ang mga ipapalit na committee chairmen.


RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments