Manila, Philippines – Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi sila susunod sa Korte Suprema sa isyu ng martial law.
Ito ay matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dinggin ang petisyon na kumukwestyon sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Iginiit ni Speaker Pantaleon Alvarez na walang hurisdiksyon ang Supreme Court sa Kongreso dahil co-equal branches ang dalawa.
Hindi rin sila maaaring diktahan ng kataas-taasang hukuman kung ano ang dapat gawin kaugnay ng isyu ng martial law.
Nagbabala din ito sa posibleng constitutional crisis kung panghihimasukan ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Kongreso.
DZXL558
Facebook Comments