Pinaglalaan ng dagdag na pondo ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para matapos na ang Listahan 3 Program o National Household Targeting System for Poverty Reduction.
Mangangailangan ng ₱66.5 million ang programa na sa kasalukuyan ay nasa validation at finalization phase, at target mai-release para sa 2nd quarter ng taon.
Para mapaglaanan ng pondo ng Kongreso ay inihain ni Vargas, Chairman ng House Committee on Social Services, ang House Resolution 1654 na humihikayat sa Committee on Appropriations na paglaanan ng pondo ang nasabing programa.
Naniniwala ang mambabatas na magagamit ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Listahanan 3 bilang master list para sa mahihirap na tuturukan ng COVID-19 vaccines.
Una nang ginamit ang Listahanan, sa pagtukoy ng mga benepisyaryo ng 4Ps Program, Social Amelioration Program (SAP), at iba pang ayuda mula sa pamahalaan.